Mga Pahina

Sabado, Setyembre 10, 2011

Buwan ng Wika: Awit Pinoy 2011

Deskripsyon ng event:
Ang awit pinoy ay ang unang programa upang masimulan ang 150th na kaarawan ni Dr. Jose Rizal. Ito ay isang programa na ginawa ng mga nakakataas sa University of Santo Tomas upang maibahagi ng mga tao ang kanilang talent pagdating sa pagkanta o “rak en rol”. Maraming banda na ginawa laman ng mga estudyante ang sumali dun upang makilala at maipakita sa mga nanonood na may angking galling sila sa pagkanta. Ang programang ito ay may bunutan ng mga premyong ninanais makamit ng mga mahilig kumanta o gumawa ng banda tulad ng Rockband, gitara, atbp. Nandito din ang One Voice Chorale ng faculty of engineering upang magbigay aliw bago magsimulang tumugtog ang mga banda ng mga estudyanteng nagqualify. Madaming mga banda ang mga tumugtog sa event ito. Lahat ay tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Madaming tao ang nanuod sa mga umawit ng mga kantang OPM. Ang mga bandang nagtugtog ay mahuhusay at mga estudyante palang sila ng kolehiyo. Ito din ay tungkol sa ating kalikasan dahil pinapakita dito kung ano ang mga dapat nating pangalagaan at ingatan sa mga peligrong darating sa atin.
Repleksyon:

Naipalaganap ang Awit Pinoy sa tema ng buwan ng wika dahil puro OPM songs lamang ang naririnig dun. Ang mga kantang yun ay ibinabahagi sa ngalan ni Dr. Jose Rizal na ang ating pambansang bayani. Ang ibang kantang ginamit dun ay sikat at tungkol ito sa kalikasan. Kaya ito tungkol sa kalikasan dahil ang ating kalikasan ay hindi na inaalagaan ng mabuti at ito ay nasisira dahil sa iba’t ibang kalamidad na tumatama satin. Ang awit pinoy ay nagsisilbing gabay upang  mahalin pa natin lalo ang ating wika dahil tayo ay inabuso noon ng mga mananakop. Itong awit pinoy ay isa ding tribute para kay Dr. Jose Rizal na namatay nang pinaglaban niya ang ating wika. Malaki ang natulong nitong programa na to para sa kalikasan. Swak sa tema ang mga awiting kinanta at tinugtog. May kahulugan sa kalikasan yung mga awitin. Ipinapakita na dapat pahalagahan at protektahan ang ating kalikasan. Malaki ang tulong ng programa na to na maipadala at maipahayag sa mga Tomasino ang tema, sa pamamagitan ng nakakatuwa, nakakaaliw at hindi nakakabagot na paraan kaya sa tingin namin ay madaling naipakita sa mga manonood ang ibig iparating ng programa. Nakapagbibigay inspirasyon ang ganitong mga programa sa mga tao na magkaroon ng pagmamahal sa sariling wika at kalikasan. Ang wika natin ay napakahalaga  sapagkat umuunlad ang bansa sa pamamagitan nito. Nagkakaroon ng bisa ang mga ginawa ng ating mga kababayan upang magkoroon tayo ng kalayaan. Ating pahalagahan, ating mahalin , at higit sa lahat ating tangkilikin ang sarili nating wika.

Kalakasan: Ang Awit Pinoy 2011 ay isang napakalakas na “medium” upang magpakita ng mensahe sa mga Tomasino. Dahil ito ay naging epektibo sa pagpapakita sa pagpapahalaga at pagiingat sa ating kapaligiran. Ipinaalala din sa atin ang mga sitwasyon na nangyayari sa paligid natin. Nasa sa atin na ito upang gawin ang tamang aksyon para doon. Ang event na iyon ay maganda dahil ito ay nagbibigay mensahe upang tangkilikin pa natin ang mga OPM. Binibigyan din ng kahalagahan ang mga tulang ginawa at ibinahagi ni Rizal sa ating bayan sa pamamagitan ng pagkanta o pagawit.


Kahinaan: Ang nakita naming kahinaan ay ang teknikal na problema. Ang speakers ay nagloloko, humihina tapos biglang lalakas. Dahil dito, hindi namin maintindihan ang ibang sinasabi at kinakanta ng mga performers. Lalo na yung biglang nawalan ng tunog ang microphone habang tumutugtog ang isang banda.


Rekomendasyon: Sa susunod ay i double check muna ang mga kagamitan bago magsimula ang programa. Mairerecomend ko rin na sa medicince auditorium ulit mag presenta ng mga programa. Malamig na at malaki pa ang lugar, tamang tama sa mga ganitong programa. Dapat ding gumawa ng video na nagpapakita na ang Pilipinas ay nawawalan na ng likas na yaman upang matugunan ang ganun problema at mabigyan solusyon ang mga ito ng mga nagbubukod tanging mga estudyante.

Logo ng Awit Pinoy

Ang mga ibang larawan ng Awit Pinoy:

One Voice Chorale ng Faculty of Engineering 





Ang mga miyembro ng grupo:


Go, Aaron
Matias, Kenneth
Rillera, Joseph
Ventura, Marc
Watabe, Seiji


1 CSD

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento